SANGKAP :
1. ISANG KILONG MANOK.
2. DALAWANG PIRASONG SIBUYAS.
3. DALAWANG PIRASONG SILING BERDE, NA MALAKI.
4. 1/2 KUTSARITANG CURRY POWDER.
5. DALAWANG TASANG GATA NG NIYOG.
6. 1/2 TASANG PURONG-KAKANG GATA.
7. 1/2 KUTSARITANG ASIN.
8. 1/2 KUTSARITANG PAMINTANG DUROG.
9. 3 BUTIL NG BAWANG.
10. 1/4 TASANG MANTIKA.
11. 1/2 TASANG TUBIG.
PARAAN NG PAGLULUTO :
- Prituhin ang manok ngunit huwag gaanong papulahin.
- Sa dalawang sibuyas, ang isa ay hiwain nang pino. Malaki naman ang gawing hiwa sa isa pang sibuyas.
- Hiwain sa 3-4 ang siling berde.
- Pitpitin ang bawang at papulahin sa mantika.
- Isunod ang sibuyas na pino ang hiwa.
- Makaraan ang ilang sandali ay magkakasabay na ihulog ang manok, sibuyas (malalaki ang hiwa) at sili.
- Tunawin ang curry powder sa tubig at isama sa gata ng niyog. Ibuhos ito sa manok.
- Timplahan ng asin at pamintang durog.
- Pakuluin hanggang lumambot ang manok at lumapot ang sabaw. Kung hindi pa lumalambot ang manok at natutuyuan na ang sabaw, dagdagan pa ng ½ tasang gata at ½ tasang tubig.
- Kung malambot na ang manok at halos manuyo ang sabaw ay ibuhos ang kakang-gata o purong gata.
- Halu-haluin at lutuin pa ng mga 1 minuto at patayin ang apoy.